Ano Ang Sexually Transmitted Infections?
Ang STI (Sexually Transmitted Infections) ay mga iba’t ibang uri ng mga impeksyong nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa taong mayroon nito ng walang proteksyon - sa pamamagitan ng ari, puwitan at bibig.
Maari kang mahawahan ng STI
Ang paglipat ng impeksyon ay nangyayari sa pamamagitan ng mga apat na likido sa katawan (dugo, semilya, mga likido sa ari ng babae at gatas ng ina) sa isang taong nahawahan.
Picture sa kaliwa: Kulugo or Human Papiloma virus infection
Bagama’t ang mga STI ay parehong nakakaapekto sa babae at lalaki, mas madaling mahawahan ng impeksyon ang mga kababaihan.
Mas malala rin ang mga komplikasyon sa babae lalo na sa panahon ng pagbubuntis, bago at pagkatapos manganak na maaring ikamatay ng sanggol.
Genital Herpes or Herpes Simplex
Mga palatandaan ng STI sa Lalaki:
• Nana na lumalabas sa ari
• Pangangati ng ari at sa paligid nito
• Masakit na singaw o paltos sa ari at sa paligid nito
• Mga bukol sa ari o sa paligid nito
• Hapdi o sakit sa pag-ihi
• Pamamaga ng bayag
* Maari rin na walang maramdaman at makitang sintomas ang lalaki na may impeksyon nito ngunit kadalasan ay napapansin ito 3 hanggang 5 araw pagkalipas ng pakikipagtalik ng isang taong may impeksyon.
Mga palatandaan ng STI sa Babae:
• Masakit at mahapding pagihi
• Kakaibang kulay ng likido na lumalabas sa ari
• Makirot o mahapding singaw sa loob o paligid ng bibig
• Bukol sa ari o paligid
• Pananakit ng puson
• Pangangati ng ari
• Masakit na pakiramdam tuwing nakikipagtalik
• Pagdugo ng ari pagkatapos makipagtalik
* Ang kawalan ng sintomas o palatandaan ay hindi nangangahulugang walang STI. Kung minsan walang sintomas ang STI lalo na sa babae.
4 C’s ng STI Management
C- Counseling. Kumunsulta agad sa doctor o health worker upang malaman ang tamang impormasyon tungkol sa STI, huwag gamutin and sarili (do NOT self-medicate)
C- Condom Use. Palagian at tamang paggamit ng Condom tuwing makikipagtalik.
C- Compliance for Treatment. Inumin ang lahat ng gamut na inireseta ng doktor. Ang hindi pagsunod ditto ay maaring maging sanhi ng hindi paggaling at paglala ng STI. Huwag makipagtalik sa panahon ng gamutan o kung hindi maiiwasan, gumamit ng condom.
C- Contact Tracing. Pagpapacheck-up ng iyong ka-partner o mga nagging kapareha upang malaman kung sila ay may STI.
Kung inaakala mo na ikaw ay may STI, huwag mahiya, huwag matakot. Kumunsulta agad sa Doktor o pumunta sa pinkamalapit na Social Hygiene Clinic.
Contact your ReachOut Peer Outreach Worker kung nahihiya kang lumapit sa doctor, Tel. 3673109

6 Comments:
Ang amoy ng tamod ay may kaugnayan sa kinakain ng isang lalaki, at minsan sa trabaho niya o work environment.
Ang mga spicy na pagkain at asparagus ay nakakapagbigay ng kakaibang tapang ng amoy ng tamod. Ang mga prutas tulad ng pinya at mansanas ay nakakapagbigay ng bango sa tamod.
Kapag ang trabaho ng lalaki ay may mabahong kapaligiran, tulad ng paghuhukay ng poso negro at imburnal, maaaring ma-absorb ng katawan ang mabahong amoy at lumabas ito sa tamod. Kung sa bakery o pagawaan ng fruit essences ang work environment, posibleng maging mabango ang tamod.
Ang dami ng tamod o lapot nito ay hindi disorder.
Sana ay nakatulong ito. Magtanong pa kayo para sa sexual health!!!
nakakadiri! nakasusuklam! pag nangyari sanyo to tyak wala nang papatol sa inyo. kaya ingat dapat lagi. utak muna bago libog!
actually poe sumasakit ang bayag koh pero d nmn akoh nilalabasan ng nana or hindi nmn kumakati ang paligid nito ata ala rin akoh bukol nah nakakapa????????anoh poe un
ask ko lng poh ksi mahilig akong magpatsupa sa mga bakla then me nararamdaman akong pangangati sa balat koh tapos sometimes eh nangangati rin ang etits koh me sakit na poh ba akoh
ask ko lng po kc kumakati ang ari ko may posibilidad ba na magkaroon ako ng STI
i have finished having menstration but during d last flow ng menstration ko may nangyari sa amin ng boyfriend ko. a day after natapos na ang last flow but then may lumalabas naman n mabahong somthing coming from the pwerta. parang bugok na itlog ang amoy. ano kaya i2? wala naman kaming sakit ng bf ko but it is still alarming..
Post a Comment
<< Home