Pinoy Men's Sexual Health Forum

Share information and tips on Male Sexual Health for Filipino Males who have sex with other Males. We focus on guys living, working or spending their leisure time in Quezon City. This is in support of the MSM (Males having Sex with Males) Health Project of the Quezon City Health Department. This project is supported by the MSM Outreach program ReachOut Foundation International and SIGLAH (Sharing Information for Gay and Lesbian Access to Health) of ProGay Philippines.

Name:
Location: Quezon City, Metro Manila, Philippines

ProGay Philippines is an advocacy group working for equality for gay, lesbian, transgender and bisexual Filipinos through learning, organizing, service provision and other community activities.

Thursday, March 02, 2006

Pare, tara... pag-usapan natin ang Sexual Health... importante ito

Hey there dude... mahilig ka bang gumimik? Punta ka ba mamaya sa Grand Eyeball?


Gusto mo magrelax sa bathhouse at manood ng M2M videos?

Okey din magpahangin sa park or sa circle, tapos, magtambay sa internet cafe... o di kaya mag-videoke tayo sa Cubao.

Wherever you want to meet in Quezon City, okey lang ang trip. Tapos may makita tayong cute at makisig na dream boy, made na ang gabi natin.

Marami pang pwedeng mangyari like Sex Eyeball na One-Night Stands, o di kaya ay orgy party. Kaya dapat alam din natin kung paano pangangalagaan ang ating sexual health para tuloy-tuloy ang sarap at laging nasa party gabi-gabi.

Mahirap na, baka tayo mahawahan ng iba't ibang klase ng Sexually Transmitted Infections. Hindi mo malalaman sa itsura lang kung merong STI ang isang ka-gimik. Madalas kung sino pa ang guwapo at mukhang manly na lalaki, baka sila pa ang merong gonorrhea, syphilis, herpes, chlamydia, HIV at crabs.

Kailangan nating pag-usapan ang sexual health dahil maraming dependent na tayo ay malusog at may kakayahang maghanapbuhay. Alalahanin natin ang ating mga pamilya at kapuso na umaasa sa atin.

Laging kumunsulta sa ating sexual health website blog at i-share ito lagi sa ating mga kapartners sa gimikan.

O sige, mga pare, kita-kits tayo sa gimik. Ingat ha?

11 Comments:

Anonymous Anonymous said...

this blog is awesome! very informational. keep up the good work.

1:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

hi im jr from malabon...tanong ko lang po kung paano nakukuha ang ganitong sakit...mas madali po ba nakukuha ang sakit kpg nagpapafuck sa ass? ano po ang dpt gawin para maiwasan un? paano po kpg nde gumamit ng condom?

12:57 AM  
Blogger Oscar Atadero said...

Hi there, thank you for your inquiry. Ang mga symptoms ay nakalista sa "Ano ang sexually transmitted infections?"

The only way to tell if your partner is infected is to submit the person to testing. Only lab tests are reliable. Why? Because some STIs are asymtomatic or does not have outward symptoms.

1:14 AM  
Blogger Oscar Atadero said...

Anonymous said... hi im jr from malabon...tanong ko lang po kung paano nakukuha ang ganitong sakit...mas madali po ba nakukuha ang sakit kpg nagpapafuck sa ass? ano po ang dpt gawin para maiwasan un? paano po kpg nde gumamit ng condom?

Hello JR, thank you for posting your inquiry.

Ang sexually transmitted infections ay maaaring makuha sa anal sex, oral sex at vaginal sex. Pero higit na mas madaling makahawa ng sakit sa anal sex dahil nagkakaroon ng maliliit na sugat ang anus kapag pina-fuck ito.

Para makaiwas sa STI, makakatulong kung gagamit ang mag-parter ng condoms and water-based lubricant sa tuwing meron kayon anal sex.

Kapag hindi kayo gumamit ng condom, mas madaling maisalin ang common STIs, such as gonorrhea, syphilis at chlamydia. Sana ay sanayin mo ang sarili na mag-condom. Best wishes!

1:24 AM  
Anonymous Anonymous said...

ganun po ba? so mas maganda po cguro na wag ng magfuck bsta bsta sa ass kc tingin ko po mas delikado kpg nagpapfuck sa ass kesa nagsusuck...

1:26 AM  
Blogger Oscar Atadero said...

Anonymous, maaari pa din na ituloy ang anal sex... basta tiyakin na consistent ang paggamit ng latex condom with the proper lubricants.

Sa oral sex ay marami ding risks tulad ng infection with gonorrhea, syphilis, chlamydia, herpes at hepatitis. Kaya recommended din ang paggamit ng condoms sa oral sex.

Lagi tayong mag-ingat para tuloy-tuloy ang enjoyment.

9:35 AM  
Anonymous Anonymous said...

Pag na swallow po ba ang tamod eh possible na magkaroon ng HIV or STI?

5:24 PM  
Blogger Oscar Atadero said...

Hi there, salamat sa iyong comments and questions.

Posibleng magkaroon ng infective agents sa iyong tamod at kahit sa pre-cum o ang clear liquid na lumalabas sa iyong ari bago mag-orgasm.

Kapag ang tao ay may gonorrhea, chlamydia, hepatitis at iba pang sexually transmitted diseases, ang mga microorganisms nito ay nakahalo sa mga exudates na sumasama sa tamod sa proseso ng ejaculation. Kaya harmful malunok ang infected na tamod.

Ang HIV ay nasa tamod din at delikado ito lalo na sa unprotected anal sex. Ito ay dangerous din kapag ang oral tissues mo ay may cuts o portals of entry tulad ng bulok na ngipin or singaw.

Kaya ang recommendation ay spit, do not swallow.

Take care and have safer sex always.

7:35 AM  
Anonymous Anonymous said...

hello i gave an oral sex to a man pero hindi naman siya nilabasan sa bibig ko, posible bang magakaHIV ako if hes positive? Kailan ako dapat magpatest for HIV?

10:13 PM  
Anonymous Anonymous said...

ahmm can i ask kung panu malalaman kung talagang wala ng tulo??

kasi ako ngakaroon na pero wala ng mga nana na lumalabas pero kpag hinahawakan ko ung katawan ng ari ko or pinipisil ay masakit???!!

im so paramoid na!!!

11:39 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hello po! Ako po ngayon ay napaparaning na baka nahawa na ako sa AIDS. Ako po ay closet gay. 2006 po noong 1st and last time ko pong natry magpafuck sa isang lalaki malapit sa sinehan. Di po sya gumamit ng condom at nagpapaputok sya sa loob. Since 1st time ko po dinugo ako. Malaki po ba ang chance na nainfect ako khit sya plang ang una at huling nakafuck sa akin? wala naman po akong nararandaman sa mga nabasa kong sintomas ng AIDS yun nga lang po ang sabi 5 to 10 years pa daw malalaman. Saan po ako pwede magpatest? Makakasigurado po ba ako na hindi ididisclose kpag positive ako. Baka kc malaman ng iba, nakakahiya sa pamilya ko? pakisagot po sana tanong ko. closet boy of pampanga

1:23 AM  

Post a Comment

<< Home